In case, you’re looking for ways on how to earn online so that you don’t need to leave your home or go to an office just to work, you can consider the following.
1. Writing Jobs – If you’re good in writing, sakto ito para sayo. Tulad ko, maraming bloggers ang nagha-hire ng Ghost Writer para gumawa ng article na ipopost nila sa kani-kanilang blog. Yung iba sadyang hindi lang marunong mag-english at ung iba naman sobrang daming blog na dumating na sa puntong hindi na mabigyan ng oras na makapagsulat pa sa iba nilang blogs.
Sa ngayon ang rate ng mga kilala kong writers is $1 per 100 words. So kung makapagsulat ka ng 500 words article, mayroon kang $5. Kung makapagsulat ka ng 5 articles sa isang araw, mayroon kang $25 isang araw. Hindi na masama.
Makakatulong sayo kung babasahin mo rin ito : Write Essay for Money
2. Freelance Designer – Kung mahilig ka naman magdrawing gamit ang makabagong technology, eto ang para sayo. Gawa ka lang ng website para ipakita ang mga gawa mong designs. Let your friends know na tumatanggap ka ng projects related to graphic designs at baka may kilala silang posibleng maging client mo. Ang maganda dito, ikaw mismo magseset ng sarili mong rate based sa kung ano ang kaya mong gawin.
3. Blogging – This is what i am doing right now. Kailangan mo lang magkaruon ng blog, pwede namang tagalog pero mas maganda kung english para mas maraming opportunity na kumita.
Here’s an article na posibleng makatulong sayo kung paano kikita sa blogging, “Paano ba Kumita sa Blogging sa loob ng 6 Months” . Basahin mo rin yung mga comments dahil matututo ka sa mga ideas mismo ng bloggers.
4. Selling Photos – Kung hobby mo ang photography then pakinabangan mo ung mga photos mo. Maraming websites jan gaya ng iStockphoto, ShutterStock, and Fotolia. Pwede ka magregister sa mga yan at ipost ang mga magaganda mong photos. Malay mo may magkainteres at bilhin ang photos mo.
Kung interesado ka dito, subukan mong basahin ang mas detalyadong articles tungkol sa pagbebenta ng Photos na gawa ni Fitz Villafuerte – Earn By Selling Your Photos Online at Where And How To Sell Photos Online
5. You Tube – Kung fan ka ng Jamich, malamang madalas ka sa Youtube para panoorin ang mga videos na gawa nilang magsyota. Kung mapapansin mo, may ad na lumalabas kapag pinapanood mo ung mga videos sa YouTube, Oo, kumikita sila dun. Kada may mag-click sa ad na lumabas sa video, kumikita ang nag-upload ng video.
Kaya kung mahilig kang mag-videoke, gumawa ng short stories, magpatawa, o kung ano-ano pang talent, simulan mo nang ivideo ang sarili mo at iupload sa Youtube. Malay mo ma-discover ka pa ni Kris Aquino.
6. Online Store – Nauso to dati nung buhay pa ang Multiply. Pero dahil wala na, gamit na ng mga Online Store ngayon ay kung hindi Instagram, Facebook, o kaya sariling website kung saan pwede bumili ang kahit sino online. Kung may alam kang pwede mong ibenta online at sa tingin mo kaya mong imarket online o marami kang online friends na interesado sa naiisip mong product, then go! Gumawa ka na ng account sa Instagram o facebook at ipost lahat ng product na gusto mong ibenta.
7. Audio Transcription – Kung kaya mong makinig sa isang audio at i-type ang lahat ng sinasabi nila, then eto ang para sayo. Try nyo magregister sa oDesk, sa pagkakaalam ko may mga task related sa Transcription na pwede mo i-accept at gawin para makapagsimula ka nang kumita ng extra income.
8. Building Applications – Kung programmer ka at mahilig ka gumawa ng games, malamang kayang-kaya mo to. Alam mo ung Flappy Bird na game, na sinasabing kumikita ng 50,000USD kada araw? Yes, kaya mo rin yun. Simpleng games o mobile application, posibleng maging dahilan ng pagyaman mo.
9. Website Flipping – Kung marunong kang gumawa ng website o blog, pwede kang gumawa para ibenta kapag natapos na. Pwede mong ibenta ito sa mga friends mo o sa company na naghahanap ng sariling website or ipost mo sa Flippa.Com para sila na bahalang maghanap ng buyer para sayo.
10. Online MLM – Eto yung madalas na sabihin nating scam, MLM o Mult-Level Marketing. Pero ang tutuo meron talagang mga kumikita sa ganitong klaseng business. Kailangan mo lang mamili at maging mapagmatyag bago sumali.
Hanggang dito na lang muna, sana nakatulong ako para kahit papaano magka-idea ka on how to earn extra money online. Kung may gusto kang idagdag, comment mo lang sa ibaba.
0 Comments